Saturday, November 8, 2008

Ground breaking PNP building in Dolores Quezon


Ground Breaking Para sa PNP Building sa Dolores,isinagawa
Ni Boots R. Gonzales

DOLORES QUEZON– Isinagawa ang ground breaking sa bayan ng Dolores noong Lunes Nobyembre 3, taong kasalukuyan . Ang nasabing groundbreaking ay pinangungunahan ni Mayor Renato A Alilio Sr. MD at PNP chief P/ INSP Reynaldo G Kasilag. .

Sa pakikipagpanayam ng Eyewatch kay Mayor Alilio , masayang naikuwento ng mayor ang katuparan ng pagkakaroon ng sariling gusali ng Dolores PNP. Ang nasabing gusali ay magkakaroon ng tatlong palapag at eto ay magkakahalaga ng apat na milyong piso na ang pondo ay manggagaling sa PNP sa tulong ng isang Ret. Gen Ernesto Belen .

Anya masuwerte sila dahil bago mag retired ang nasabing general ay naibigay ang pondo para dito., Ang lupa na pagtatayuan ng PNP building ay mula sa munisipyo ng bayan ng Dolores at ang lumang PNP office naman ay magagamit sa iba pang mga institusyon nasyonal tulad ng DENR, Municipal Court at iba pa. Lubos ang pasasalamat ni Alilio kay General Belen sa malaking tulong sa kanila ganoon din sa mga tumulong sa kanya upang matupad ang pagkakaroon ng sariling building para sa kanilang mga pulis na malaki rin ang naitutulong sa peace and order sa kanilang bayan.


Please read....

No comments: