Maliit ang pamasahe kapag nasa Gumaca na ang Kapitolyo
Forum sa hati Quezon isinagawa sa Infanta
Failure of governance sanhi ng kahirapan
The Reportorial Team
Isinagawa sa bayan ng Infana ang isang forum patungkol sa paghahati ng lalawigan ng Quezon.
Nagtungo rito ang mga representative ng mga author at mga may kinalaman sa pagkakaroon umano ng Quezon del Sur at Quezon del Norte.
Nakarating ang mga representante nina Governor Raffy P. Nantes sa katauhan nina Atty. Dennis Guererro at Provincial Admin Aris Flores, Si ang representative naman ni Cong. Erin Tanada at isang abogado rin ang para kay Cong. Procy Alcala.
Wala namang nakarating na representante mula sa panig nina Cong. Danny Suarez at Cong. Mark Enverga.
Ito’y pinangunahan ng Infanta kung saan nais nilang magkaroon ng sapat na kaalaman ang mga mamamayan sa bayan-bayan sa unang distrito ng Quezon na kapos ang kanilang kamalayan kung ano ang kanilang dapat na iboto sakaling magkaroon nga ng plebisito sa mga darating na panahon.
Ayon sa representante ni Cong. Erin Tanada,Kung sakaling magkaroon ng Quezon del Sur ay ilalagay ang kapitolyo sa bayan ng Gumaca kung saan magiging magaan na para sa mga ikatlo at ikaapat na distrito ng Quezon .Aniya, gumagastos ang isang mamamayan ng humigit kumulang ng P200.00 pagtungo sa Lucena para sa kanilang transaksyon sa Kapitolyo samantalang kung nasa Gumaca na ay P90.00 na lamang ang kanilang gagastusin.
Sa naging pahayag naman ni Atty. ,representative ni Cong. Procy Alcala, nais lamang ng congressman na maipahayon sa mga mamamayan sa lalawigan ng Quezon na kung sakaling matuloy ang pagkakaroon ng plebisito sa paghahati ng lalawigan ay alam ng mga ito kung bakit no or yes ang kanilang iboboto.Dapat na isipin ng mga mamamayan kung ano ang magiging epekto nito kung sakaling yes at no ang kanilang ilagay sa balota.
Sa naging paliwanag naman ni Atty. Dennis Guererro,bilang representante ni Gov. Raffy P. Nantes matiyaga nitong ipinaliwanag sa mga tao na nagtungo sa forum kung ano ang magiging epekto sa lalawigan kung sakaling mahati ito.
Aniya ang nagpapahirap ng isang lugar ay ang failure of governance at hindi solusyon ang hatiin ito .
Ipinaliwanag ng abogado kung sakaling mahati ang Quezon ay muli itong magbubuo ng Kapitolyo mga opisyal sa bayan at distrito na gagatos at gugugol pa rin ng panahon.Subalit kung magkakaisa at magtutulungan ang mga mamamayan ay posible pa itong umunlad kaagad .
Friday, November 7, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment