Friday, November 7, 2008
\H.E.R.O. SA BATANGAS. Binati ni Batangas Gov. Vilma Santos Recto si Dr. Anthony Leachon sa pagiging isa sa mga napiling Ten Outstanding Filipino Physicians para sa 2008 na pinangunahan ng JCI Senate Phils., DOH, PhilHealth, at PCSO. Ang tribute ay ginanap kamakailan sa Manila Hotel. Si Dr. Leachon, isang internist-cardiologist, ay kinilala sa larangan ng universal preventive health care o Health Education Reform Order (HERO). Ito ay naiilalim sa EO 0595 na pinirmahan ng Pangulong Arroyo noong Dec. 26, 2006. Si Dr. Leachon rin ang principal author ng Policy Recommendation sa Senado na naglalayong makiagapay sa pamahalaan upang makatulong sa pagsugpo ng mga paulit-ulit na sakit. Ang HERO ay dinadala ni Dr. Leachon sa mga lalawigan sa pakikipagugnayan sa mga medical groups, government officials, NGOs, at private groups upang umapila sa bansa. Sa pangunguna ni Governor Santos-Recto, ang HERO ay ila-launch sa Lunes, Nov. 17 sa Batangas City Sports Complex sa Port Area.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment