Saturday, November 8, 2008

Team Energy

Tagumpay ng Carbon Sink Initiative, turnover ginanap
Ni Eugene Vertudazo (Team Energy)

Ginanap ang isang pormal na turnover ceremony ng Carbon Sink Initiative (CSI) project noong ika-30 ng Oktubre sa Mangorve Eco-destination site, Brgy. Ibabang Palsabangon, Pagbilao, Quezon kasama ang mga stakeholders ng proyekto: LGU- Pagbilao at Padre Burgos, DENR – Quezon Ecosystem Research and Development Center (QERDC) at Katipunan ng Mamamayan para sa Kalikasan sa Quezon (KASAMAKA) Federation.

Dumalo sina Padre Burgos Vice Mayor Jigs Panganiban at Pagbilao Administrator Max Glorioso sa okasyon, kasama ang mga Brgy. Chairmen na sakop ng CSI project.

Nilagdaan ang isang Memorandum of Understanding (MOU) para sa patuloy na pagpapatakbo ng proyekto na pangungunahan ng mga stakeholders.

Ang Carbon Sink Initiative ay isang 5-taon na proyekto para mapaunald ang upland at mangrove forests at maisaayos ang mangrove eco-destination site. Naniniwala ang Team Energy Corporation sa tulong at kakayahan ng stakeholders upang mapalawak at maipagpatuloy ang proyekto. Ang mga barangay na nasasakupan ng CSI ay ang Ilayang Polo, Ibabang Palsabangon, Sta. Catalina Working Group at Binahaan mula sa bayan ng Pagbilao at mga barangay naman tulad ng Walay, Danlagan, Hinguiwin, Cabuyao Sur, Kinagunan, Sipa, Rizal, San Vicente at Marao mula sa bayan ng Padre Burgos.

Inilunsad din sa nabanggit na okasyon ang isang libro na may pamagat, “Establishing a Community-based Carbon Sink Initiative Project: A Team Energy Experience” na inedit ni MaryAnn P. Botengan.


Planta sa Pagbilao at Mother’s Club,
ginunita ang International Coastal Clean-up
by: Eugene Vertudazo

Mahigit 600 na kasapi ng Community-based Mother’s Club sa Pagbilao at Padre Burgos ang sumama sa taunang paglilinis ng mga baybaying dagat at ilog kamakailan bilang paggunita sa International Coastal Clean-up.

Nakiisa rin ang ilang mga barangay officials at sama-samang naglinis sa dalampasigan ng kani-kanilang mga barangay. May ilan ding grupo ng mga military personnel na sumuporta sa proyekto. Ito ay naisakatuparan din dahil sa suporta ni Sally Ricaro, staff ng Municipal of Pagbilao Agriculture, na siyang nakikipag-ugnayan sa iba pang grupo.

Inipon at ibinaon sa lupa ang ilang mga basura. Ang iba naman ay ibinenta sa mga junk shops o dinadaanan ng municipal dump truck.

Naging bahagi sa coastal cleaning ang mga barangay ng Ibaba at Ilayang Polo, Bantigue, Binahaan, Kanluran at Silangang Malicboy, at So. Tulay-buhangin sa Pagbilao at Brgy. Sipa, Rizal at Tulay –buhangin sa Padre Burgos.

Pinangunahan ng Team Energy Corporation (dating kilalang Mirant Pagbilao Corporation) ang ngayong ika-5 taon na paggugunita ng kompanya sa International Coastal Clean-up.


Pagbilao Power Plant:
OHSAS 18001 at ISO 14001 experts – SGS
Ni Eugene Vertudazo (Team Energy)

Muling tinanggap ng Pagbilao Power Plant ang pangatlong ISO 14001 certification kamakailan pagkaraan ng isang final certification audit noong Oktubre 13-17 na pinangunahan ng isang third party compliance auditor, ang Surveillance Generale Services (SGS). At higit na ipinagdiriwang ng kompanya ay ang rekomendasyon ng SGS auditors upang tanggapin ng planta ang OHSAS 18001 certification.

Kung ang ISO 14001 ay may kinalaman sa mahusay na Environmental Management System (EMS) ng planta, kinikilala naman ng OHSAS 18001 ang mga de-kalidad na mga programang o pamantayan na ipinatutupad ng Pagbilao Power Plant ukol sa Occupational Health and Safety nito.

Ang mga karangalang ito ay nakamit dahil sa dedikasyon at commitment ng mga empleyado at mga contractors nito. Kapwa nagkakaisa at nagtutulungan upang makamit ang mithiin ng kompanya ayon sa mission at vision nito.

Ang Pagbilao Power Plant ay pinangangasiwaan ngayon ng Team Energy Corporation, isang japanese consortium, kaagapay at kasama para sa kaunlaran ng bansa.


Please read....

No comments: