GOV AYONG MALIKSI MAGBIBIGAY -HUDYAT
SA PASIMULA NG " TOUR DE CAVITE "
" Makasaysayang Cavite, Lupain ng Bayaning Mamamayan, Buo ang Loob sa Pagbabago, Matagumpay sa pandaigdiganng larangan" ito ang Bigkas ni Gov Ayong maliksi.
Isa ang " 1st Tour de Cavite" na itatala sa kasaysayang ng Cavite sa modernong panahon, ang kauna-unahang karea ng bisikleta na ilulunsad ng mga Rebulusyonariong siklista ng Carmona na pinamumunuan ni President/Grand Master Ronnie Hebron kasama ang kanyang mga master na sina; Tino Nava, Luis Concha,Eddie Ligaya, Philip Gotauco, Gener Restrivera, Eddie Poblete,Nhok Manubag, Sam Onada, Harry Carmona, at Vice president Oscar Oredina.
Isang matinding paghahanda ang ginagawa ng mga taga-knight Bikers ng Carmona para sa tutuluyan ng mga maagang pupunta para lumahok sa kauna-unahang "Tour de Cavite"
na nakatakdang gawing sa November 16, 2008.
Ina-asahang daragsa sa November 15, sabado ang mga nasabing lalahok sa 1st Tour de Cavite, ginawa ito upang hindi mahuli sa assembly time na 6:am , at programa ang mga siklistang sasali sa karera, na dadaluhan ng kanilang mga inimbitahan panauhin tulad nina; Senadora Pia Cayetano, Com Eric Loretizo, Gov Ayong Maliksi, Dra. Eva Defiesta at BM Alex Advincula.
Ina-asahang daragsa ang team ng Gagalangin , Tondo na pinamumunuan ni Ariel Antnio, Taguig Cycling Club, ni Alex Villan, Olongapo ni Dani Mallari, Boysikel ni Rolly Dealca, San Pedro ni Vice mayor Ambayec, Youth team ni Terry Flores, Mandaluyong ni Victor Espinoza, Camanava ni Raul Angeles, Nueva Vizcaya ni Lupo Alava, Nueva Ecija ni Placido Valdez, Pangasinan ni Bm Saffie Villar.
Gayundin ang grupo ng rebulusyonariong siklista na taga Cavite tulad ng Dasmarinas sa Pamumuno ni Roy Arroyo, Tanza ni Ofring , Trece ni Bradfit, Maligasang ( Imus ) Maragundon,Tagaytay , Silang ni Henry Bergado.
Sa ganap na 8:00 ng umaga ihuhuhdyat ang kanilang pag-padyak at sila ay magsisimulang tahaking ang 122 kilometrong takbuhan. Ang naturang karera ay masisimula at magtatapos sa Carmona , Cavite , ito'y tutungo sa GMA, Palapala, Dasmarinas, Gen Trias, Trece Martires, Naic, Indang, Alfonso, Tagaytay, Silang at muling babalik sa Carmona.
"Lahat ay aming ina-anyayahan" ito ang imbitasyon ni Mayor Roy M. Loyola at bise alkade Cesar Ines at ng Sangguniang bayan ng Carmona na sinuportahan naman nina Governor Erineo " Ayong " Maliksi, Vice Gov Osboy Pacana, Board Member Alex Advincula.
Please read....
Friday, November 7, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment