Please read....
“PAIHI” Operation Busted in Quezon
The Reportorial team
An illegal dispense of petroleum products” Paihi” has been seized in anti- Paihi operation conducted by the police in Sariaya Quezon early morning of November 3, 2007.
PSSUPT WILFREDO REYES led the operation at Brgy Conception , Sariaya, Quezon on the said date that resulted to the arrest of Roberto Mendoza Y Dagos , 40 yrs old (owner/ driver), Michael Palermo y Mendoza 16 yrs. old (helper) ,both residents of Mariche Subd., Sariaya, Quezon , and Jona Alcala y Mendoza 19 yrs. old , native and resident of Brgy. Sta. Clara, Sariaya, Quezon (helper) and the confiscation of 18 pieces of plastic containers and more or less 72 liters of Diesel Fuel.
With the raid concerned citizens are asking why the mastermind is scot-free while the small guys in the syndicate where the only ones arrested.Also there are asking if the arrest is really for good because they recall that last December 27,2007 raid on the syndicate center operation in the same barangay was conducted by the ARSOG 4 lead by Major Jesus Kabigting seized three fire arms an Ozi machine pistol, a 45 caliber pistol and a shotgun but no cases were filed by the police authorities.They are afraid that the same thing may happen with this later arrest.
Police are now filing charges against the arrested suspects in violation of PD 1865 that has been referred to the Office of the City Prosecutor, Lucena City and docketed under I. S. Nr. L-644-2008.
“PNP CALABARZON will not tolerate these kinds of illegal activities to exist in this region.” PCSUPT RICARDO PADILLA” said.
Search for Batang makakalikasan
Taun taon ay isinasagawa ng pamahalaang lungsod ng Batangas ang “Search for Batang Makakalikasan” na hindi lamang isang patimpalak pagandahan ng mga day care children kundi isang proyektong naglalayong maipaalam sa mga bata ang kahalagahan ng pangangalaga ng kapaligiran.
Ang Search for Batang Makakalikasan ay idinaraos tuwing buwan ng Oktubre, bilang bahagi ng Universal Children’s Month Celebration. Ang gawaing ito ay pinamamahalaan ng City Social Welfare and Developmment Office.
Ang naturang patimpalak ay nasa ika-19 na taon ng pagsasagawa. Kalahok dito ang mga batang kumakatawan sa 110 day care centers sa lungsod. Layunin ng proyekto na makalikom ng pondo mula sa ipinagbibiling mga recyclable materials mula sa kanilang tahanan at barangay. Ang nakalap na pondo ay ginagamit ng mga day care centers sa mga proyekto para sa pagpapaunlad ng kakayahan ng mga batang day care.
Layunin rin ng proyekto na maturuan ang mga bata ng pangangalaga ng kapaligiran at Kalikasan. Una na rito ay ang pagbubukod bukod ng mga basura at ang recycling.
Sa taong ito ay mahigit sa P300,000.00 ang nalikom na pondo ng proyekto.
Tinanghal na Batang Makakalikasan sina Glaiza Comia at Jullius Ethan Marasigan ng Libjo II Day Care center. Ang mga ito ang nakalikom ng pinakamataas na pondo.
Bukod dito ay nagbigay rin ng apat pang special awards. Dalawa rito ay ang Most Indigenous Materials na nakuha nina Jenny D. Panganiban at Kim Jesser D. Briones ng Talumpok East Day Care Center; at ang Best in Recycled Materials na tinanggap nina Kathleen G. Coliyat at Michael Angelo C. Caoc mula sa Soro soro Ibaba Day Care Center.
Samantala, kasunod ng patimpalak na ito ay ang Search for Mr. and Ms. United Nation. Ang naturang titulo ay iginawad kina Leana Juliene V. Tan at Nathaniel Tristan C. Casas ng Calicanto I Day Care Center. Ang mga ito ay kumatawan sa bansang Bhutan. (Marie V. Lualhati, PIO Batangas City)
58% ng ground water kontaminado
Tinatayang nasa 58% ng ground water ay kontaminado na ng E-Coli bacteria na maaaring magdulot ng iba’t-ibang uri ng sakit gaya ng diarrhea, cholera at iba pa. Ito ay ayon kay Atty. Ipat Luna, Presidente ng Tanggol Kalikasan sa isinagawang dayalogo kasama ang mga mamamahayag sa Region IV kamakailan.
Ayon kay Luna, ang e-coli bacteria ay makukuha sa maruruming bagay at kapaligiran. Ang dumi ng tao at hayop ay nagtataglay ng naturang bacteria at maaaring magdulot aniya ng seryosong pagkakasakit.
Ayon pa kay Luna, ang isang gramo ng dumi ng tao o human feces ay nagtataglay ng 10M viruses, 1M bacteria, isang libong parasite cysts, at isandaang parasite eggs.
Ganito aniya ka-delikado na mapahalo ang dumi ng tao sa tubig na nasa ilalim ng lupa. Binigyang diin ni Luna na nararapat lamang na isaayos ang mga poso negro o mga septic tanks sa bawat bahay.
Kung maaari aniya ay regular na i-dislodge ang laman ng septic tanks kada-limang taon upang maging maayos ang operasyon nito.
Iniisa-isa rin ni Luna ang kahalagahan ng pagpapanatili ng freshwater resources sa bansa.
Ayon sa Clean Water Act, ang freshwater resources ay tahanan ng 8,400 uri ng mga isda. Dito rin umaasa ang halos 6 na bilyong tao para sa inumin at araw-araw na gawain.
Ito rin ay sumasakop lamang sa 0.01% ng tubig sa buong mundo, kung kaya’t nararapat lamang aniya na tipirin ito bago mahuli ang lahat.
Nilinaw rin ni Luna na sa ngayon ay mayroon pang sariwang tubig para sa bawat isa. Ang nagiging kakulangan lamang aniya ay kung paano ipapaabot ng gobyerno sa mga mamamayan ang kahalagahan nito at kung paano ito matitipid sa darating pang mga panahon.
“There is enough water for everyone. The problem we face today is largely one of governance: equitably sharing this water while ensuring the sustainability of natural ecosystems.” pagtatapos ni Luna. (JERSON J. SANCHEZ, Batangas City PIO)
Super Lolo at Lola biniyang pagkilala sa SM LIpa
Lipa City- Binigyang parangal ng pamahalaang panlalawigan ang mga Huwarang Lolo at Lola bilang culminating activity sa ginanap na Senior Citizens Week na may temang “Nakatatanda: Huwaran at Yaman ng Bayan” para sa taong 2008.
Ang pagbibigay-pugay sa mga “super lolo at lola” ay ginanap noong ika- 22 ng Oktubre 2008 sa Activity Center, SM Lipa City.
Naging pangunahing panauhin sa okasyong ito si Batangas Governor Vilma Santos Recto kung saan binigyan niya ng papuri at parangal ang mga natatanging lolo lola. Ipinaabot ng Gobernadora ang kanyang pagbibigay-galang at pasasalamat sa mga naiambag ng mga ito sa kasalukuyang henerasyon.
“Tunay na kayo ay kahanga hanga , sapagkat sa pagiging senior citizen ay hindi kayo tumitigil na maging kabahagi at kaparte ng pag papaunlad n gating kumunidad at lipunan”
Nahirang bilang mga “super lolo at lola” sina G. Domingo A. Gahol Sr. at Gng. Sofia M. Gahol ng bayan ng San Nicolas, Batangas, 1st runner up sina G. Reynaldo E. Peren at Dra. Clarita Peren ng Lemery, 2nd runner up sina G. Eugenio C. Bautista at Gng. Belen D. Bautista ng San Juan, at 3rd runner up sina G. Mauro G. Cometa at Gng.. Felicidad B. Cometa.
Kasama din sa nahirang bilang mga “municipal huwarang lolo at lola” winners sina G. Crisanto Magundayao at Gng. Guida Magundayao ng Alitatag, G. Bernardo C. Soriano at Gng. Crispina Soriano ng Batangas City, G. at Gng. Jose at Anita Palma ng Cuenca, G. at Gng. Bonifacio at Amelia Dimaculangan ng Padre Garcia at G. at Gng. Pedro at Maura Magtibay ng Taysan.
Naging basehan sa pagpili ng Huwarang Lolo at Lola ang magandang pagtataguyod ng pamilya at naging mabuting ehemplo sa kanyang pamayanan. Ang pagpili ay pinangunahan ng Provincial Social Welfare and Development Office sa pamumuno ni Jocelyn Montalbo, katuwang ang Huwarang Pamilyang Batangueno Foundation. / Edwin V. Zabarte/ OPG-PIO
Friday, November 7, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment