‘Pulis Makakalikasan’, inilunsad ng PNP
UPANGmaproteksyu-nan ang kalikasan at kapaligiran, inilunsad ni Philippine National Police Chief Director-General Jesus A. Verzosa ang programang “Pulis Makakalikasan” sa southern Cebu nitong nakaraang linggo.
Si Verzosa, kasama ang ilang local government officials at non-government organizations, ay nagsagawa ng ‘coastal clean-up’ sa Moalboal, ang ‘fishing town’ sa southern Cebu at atraksiyon sa mga turista dahil sa perpektong mga ‘beaches’.
Bukod dito ay inilunsad din ng PNP chief ang “scubasurero’ na bahagi ng Pulis Makakalikasan kung saan ang mga ‘divers’ at ‘volunteers’ mula sa iba’t ibang grupo na nagpupulot ng mga plastic at iba pang mga basura sa karagatan.
“This coastal clean-up would not have been possible without the help of local police and officials in Moalboal. We need to work together to help preserve this beautiful coastal town,” ani Verzosa.
Ayon kay Verzosa, ang lahat ng Filipinos ay kailangang tumulong u-pang maprotektahan ang kalikasan. “Let us not throw plastic in our bodies of water. There are a thousand and one ways of helping nature.”
Magugunitang pina-ngunahan ni Verzosa ang grupo ng may 500 PNP divers at civilian volunteers ng ‘coastal clean-up campaign’ sa lalawigan ng Batangas.
Idinagdag pa niya na kanyang palalakasin ang PNP Maritime Group na siyang ‘forefront’ sa kanilang kampanya laban sa ‘poachers and dynamite fishers’ sa mga ‘remote coastal towns’.
“When the police are not fighting rebels and criminals, they will be engaged in environmental protection,” dagdag pa ng PNP chief.
Please read....
Friday, November 7, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment