Please read....Isang mahalagang seminar ang idinaos ng mga taga Tanggol Kalikasan na mayroong temang “Mainstream Environmental Information and Education Campaign Seminar Workshop” sa Nawawalang Paraiso Resort Lungsod ng Tayabas.
Ang mga participants ay mga media na nagmula sa Batangas , Laguna at Bicol. Pinag aralan at ipinaliwanag kung paano ang pag bigay halaga sa Inang Kalikasan at ipagtanggol ito.Nagbahagi rin ang mga media sa kanilang karanasan at natutunan sa pagsama sa mga proyekto ng TK.
Maraming bagay ang natutunan ng mga dumalong media at natutunan kung paano pagtibayin o isakatuparan ang isang bagay ukol sa pag pagpapahalaga sa inang kalikasan, ganoon din ang karampatan o kapangyarihan ng isang media kung sakali man ang mga ito ay may makasalubong na mga iligalista at sumisira sa kalikasan.
Nagtapos ang nasabing seminar sa pagtatanim ng grupo ng mga puno sa Perez Park Quezon . courtesy of Boots Gonzales
Integrated Ecological Solid Waste Management sa Dolores
Ni Boots R. Gonzales
Dolores, Quezon - Pormal nang ipinagkaloob ang mga pushcart at mga kagamitan sa apat na barangay dito sa nasabing bayan. Ito’y pinangungunahan nina Mayor Renato A. Alilio Sr MD at Atty Shiela de Leon – Area Director TK Southern Luzon, Ms Juliet Aparicio- Project Coordinator , Solid Waste Management , TK . at Vice Mayor Capino , gayundin ang mga kagawad ng nasabing bayan.
Ayon kay Mayor Alilio palibhasa bilang isang doctor , pinahahalagahan niya ang kalusugan ng kanyang mamayan , kung kayat binigyan niyang halaga ito ,katuwang ang Tanggol Kalikasan kung kayat ang MRF o Materials Recovery Facilities ay kanyang pinagtuunan ng pansin.
Ipinagmalaki rin ni Mayor Alilio ang kanilang pagkapanalo ng Dolores sa isang proyektong “Panibagong Paraan 2008 “ .
Nabiyayaan ang kanilang bayan ng isang milyong grant para sa kanilang mga isasagawang proyekto sa Dolores. Anya ang Tanggol Kalikasan ay nagsumite ng proposal at ang naging tema ay Integrated Ecological Solid Waste Management. kung saan ang Bayan ng Dolores ang pinili upang maging kaakibat sa pagtatanggol sa kalikasan., Bukod pa sa nakita ng mga ito ang political will ng mga namumuno na ipatupad ang Solid Waste management . Dahil sa tema nilang ito , sila ay nanalo at noon April 8. 2008 ay personal niyang tinanggap ang kanilang plaque at ang isang milyon nilang pabuya . Ginanap sa Mega Mall trade fair sa Mandaluyong City .
Ayon pa sa nasabing Mayor ang isang milyon ay hindi nila gagamitin sa kung saan man bagkus ito ay gagamitin sa pagpatupad ng ecological solid waste at iba pa.
Saturday, November 8, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment