Saturday, November 8, 2008
ROTC of PUP -Lopez
Please read....Sinanay ng may 3-araw ang mga opisyal at kadete ng ROTC ng PUP-Lopez ng tropa ng 76IB at 201st Brigade sa Camp Gen Alfredo Santos, Brgy Rizal Ilaya, Calauag, Quezon kamakailan. Isinagawa dito ang demonstrasyon at pagtuturo ang mga kasundaluhan na kung saan ay itinuro sa kanila ang ibat-ibang uri ng armas tulad ng 105 millimeter na kung tawagin ay “kanyon”, 81mm Mortar, M14 at M16 rifle. Nagsagawa ng static display ang tropa ng recon squad, at nag familiarization firing ang mga kadete. Itinuro sa kanila kung paano ang pamamaraan sa tamang paggamit ng baril. Ipinaliwanag ni Lt.Col. Rommel K Tello na ginawa nila ito upang mas lalong maging mulat sa tamang kaisipan ang mga kabataan upang hindi sila malinlang at maligaw sa maling landas, lalong-lalo na ngayon na kabataan ang tinututukang hikayatin o himukin ng CPP-NPA-NDF dahil sa kanilang kapusukan at pagiging adventurist.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment